^

Probinsiya

Kanlaon muling nag-alburoto, nagbuga ng abo – Phivolcs

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tumaas ang aktibidad ng Bulkang kanlaon sa Negros sa nakalipas na 24 oras.

Ito ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ay nang magkasunod silang makapagtala ng ash emission mula sa summit crater ng Bulkang Kanlaon ganap na alas 3:32 ng umaga at alas-5:35 ng umaga kahapon.

Ayon sa Phivolcs, ang ash emission ay lumikha ng grayish plumes na may taas na 300 meters mula sa bunganga ng bulkan at nalusaw sa may timog kanlurang bahagi ng bulkan na nairekord sa thermal camera ng ­Lower Masulog Observation Station at IP camera sa Kanlaon Volcano Observatory sa Canlaon City. Naitala rin ang tatlong volcanic earthquakes at pagluwa ng nasa 1,235 tonelada ng asupre at pamamaga ng bulkan.

Dulot nito, bawal pa ring pumasok ang sinuman sa loob ng 4-kilometrong radius Permanent Danger Zone (PDZ) at paglipad ng anumang aircraft malapit sa tuktok ng bulkan dulot ng banta ng biglaang pagputok ng steam o phreatic explosions at magma explosions.

Ang Bulkang Kanlaon ay nasa ilalim ng Alert Level 2 status na ngangangahulugan ng pagtaas ng aktibidad ng bulkan.

PHIVOLCS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with