^

Probinsiya

Death toll sa gumuhong 9-storey condo-hotel, 28 na

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Death toll sa gumuhong 9-storey condo-hotel, 28 na
Two more bodies were extricated on June 3, 2026, morning from the collapsed structure in Barangay Balibago, Angeles City, according to the Angeles City Information Office.
Facebook/Angeles City Information Office

MANILA, Philippines — Pumalo na sa 28 katao ang naitalang death toll sa gumuhong 9 storey condo hotel na itinatayo sa Angeles City, Pampanga matapos na isa pang bangkay ang marekober ng search and retrieval team nitong Sabado ng gabi, ayon sa ulat kahapon.

Sa report ng Angeles City Public Information Office (PIO), dakong alas-9:45 ng gabi nang makuha ang isa pang bangkay sa Quadrant 3 ng gumuhong istraktura.

“Clearing, retrieval, and recovery operations continue at Ground Zero under Unified Command,” ayon sa Angeles City PIO.

Sa pahayag naman ng Bureau of Fire Protection (BFP), nasa 30% na mga debris ng gumuhong gusali ang kanilang nalinis.

Noong Mayo 24 dakong mag-aalas-3 ng madaling araw ay gumuho ang itinatayong gusali sa Teodoro Street, Brgy. Balibago, Angeles City, Pampanga kung saan nadamay sa insidente ang isang apartelle na katabi nito na ikinasawi ng isang 65-anyos na Malaysian national.

Ang istraktura ay nasa pinal na bahagi na nang gumuho ito  na ikinasawi ng mga biktima habang nasa 27 katao na karamihan ay mga trabahador sa konstruksyon ang mga sugatang isinugod sa pagamutan.

Sinasabing nasa 70 katao ang mga trabahador sa konstruksyon, pero ang ilan sa kanila ay nagkauwi na nang mangyari ang apgguho.

Patuloy ang isinasagawang pag-validate upang matukoy ang pagkakakilanlan sa ibang mga narekober na bangkay.

PAMPANGA

ANGELES CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with