3 ‘carjacker’ natimbog sa Negros
CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Tatlong hinihinalang carjacker ang naaresto at narekober ang dalawang nakaw na motorsiklo sa magkahiwalay na hot pursuit operations sa Negros Oriental at Negros Occidental noong Biyernes.
Kinilala ni Brig. Gen. Roman Cardiño, Negros Island Region (NIR) regional director, ang mga naarestong carjacker sa kanilang mga alyas na “Jem”, 19; “Cly”, 18; kapwa tubong Negros Occident at alyas “Step”, 27, ng Bacolod City.
Sinabi ng pulisya na sina alyas Jem at Cly ay nadakip ng mga nabuong operatiba ng tracker team sa isinagawang hot-pursuit operasyon sa Brgy. Sta. Aguida, Pamplona, Negros Oriental.
Nag-ugat ang operasyon sa reklamong inihain ng isang 23-anyos na babae, na sinabing ang kanyang Honda na motor ay ninakaw sa labas ng mga suspek sa tirahan ng kanyang tiyahin sa Brgy. 8, Tanjay City.
Dagdag ng pulisya, ang ninakaw na motorsiklo ay nakalas na at na-dispose habang narekober ang unit at isa pang motorsiklo na ginamit sa operasyon ng mga suspek.
Sa Negros Occidental, isang insidente ng motornapping ay naganap sa Talisay City, noong Biyernes matapos na magsumbong ang isang biktima sa pulisya.
Dahil dito, nagsagawa ng hot pursuit operation ang pulisya na nagresulta sa pagkaaresto kay alyas “Step” sa Brgy. Bata, Bacolod City, kahapon ng alas-4:30 ng umaga.
- Latest






















