^

Probinsiya

14-anyos ­nasagip sa ­‘rapist’ sa loob ng hotel

Cristina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon
14-anyos ­nasagip sa ­‘rapist’ sa  loob ng hotel
Bacoor, Cavite
Wikimedia Commons

CAVITE, Philippines — Arestado ang isang lalaki na makailang ulit na umabuso sa 14-anyos na dalagita at tinakot na ipakakalat ang kanilang sex videos kung tatangging makipagtalik muli, sa ikinasang entrapment operation ng pulisya sa isang hotel kamakalawa sa Brgy. Habay 2, Bacoor City.

Kinilala ang suspek sa alyas “Jun”, nasa hustong gulang, residente ng Bacoor City.

Base sa ulat, nagtungo sa Bacoor Police ang biktimang kinilala sa alyas “Baby,” 14-anyos, residente ng Kawit ­Cavite, kasama ang anak nito upang humingi ng tulong hinggil sa pamimilit at pananakot ng suspek.

Sa palitan ng mensahe ng biktima at suspek sa cellphone, pinipilit ng suspek na muling makipagkita sa kanya ang biktima upang makipagtalik dito.

Dito na ikinasa ng pulisya kasama ang Women’s and Children Protection Desk (WCPD), SWAT at Intel operatives ang entrapment laban sa suspek sa Bakasyonista Travel Hotel.

Nang nasa loob na ng isang kuwarto ng hotel ang biktima at suspek, nagpadala na ng signal ang dalagita sa mga awtoridad.

Gayunman, naantala ng ilang minuto ang pagsugod ng awtoridad nang magkaroon ng tensyon matapos silang harangin ng ilang ­empleyado ng hotel dahilan upang muntik na magahasa muli ang biktima. Nang makapasok sila sa loob ng kuwarto, nanlaban pa ang suspek bago tuluyang naaresto.

Narekober sa suspek ang isang cal .38 na revolver na kargado ng bala, isang cellpone na na naglalaman ng mga video scandal ng biktima at suspek, isang Rusi motorcycle at 2-helmet.

HOTEL

JUN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with