Senglot nag-dive sa creek, lunod

MANILA, Philippines — Patay sa lunod ang isang lalaki na sinasabing lasing sa alak nang tumalon sa malalim na bahagi ng isang creek sa Antipolo City, Rizal nitong Huwebes.
Natagpuan ng mga residente ang biktimang si alyas “Rod”, ng mga residente at ng emergency response team ng Barangay Muntindilaw.
Batay sa ulat ng Antipolo City Police, dakong alas-2:00 ng hapon nang maganap ang insidente sa isang creek sa Barangay Muntindilaw, Antipolo City.
Kasama ng biktima ang mga kaibigan nang maligo sa creek kasabay ng kanilang inuman.
Nakita ng mga kaibigan ang pagtalon ng biktima sa malalim na bahagi at hindi na lumutang matapos tangayin nang malakas na agos ng tubig.
Kaagad namang ipinaalam ng mga kaibigan ng biktima sa kanyang ama ang nangyari at humingi ng tulong sa mga residente at sa emergency response team ng barangay na umabot ng 25 minuto bago siya natagpuang wala nang buhay.
- Latest



















