^

Probinsiya

8 at 10-anyos umaming pumatay sa 3-anyos!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
8 at 10-anyos umaming pumatay sa 3-anyos!
Map of Mountain Province with Natonin highlighted
Wikipedia / Mike Gonzalez

MANILA, Philippines — Nagulantang ang isang komunidad matapos na isuko ng kanilang mga magulang ang isang 8-anyos at 10 anyos na batang lalaki na umaming sila ang pumaslang sa isang 3-anyos na batang babae na napaulat na nawawala at natagpuan ang bangkay sa tabi ng isang chapel sa bayan ng Natonin sa Mountain Province, ayon sa ulat kahapon.

Ang biktimang kinilalang si Zephyrra Thea “Baby Duma“ Basacoy ay kasama ng kaniyang lola sa isang pagtitipon sa Banawel Elementary School sa Brgy. Banawel, Natonin noong umaga ng Mayo 23 nang mawala ito dakong alas-2 ng hapon.

Ang lola ng bata ay nagpanik at agad na ini-report sa pulisya ang insidente bandang alas-5 ng hapon.

Sa isinagawang search operation ay natagpuan ang nakahandusay na bata na duguan bandang alas-7:30 ng umaga noong Mayo 24 sa tabi ng St. Martin de Porres Chapel sa Sitio Batnong ng nasabi ring barangay.

Naisugod pa ang biktima sa ospital pero idineklarang dead-on-arrival sanhi ng “traumatic brain injury” bunsod ng hinihinalang pagpalo ng matigas na bagay sa kanyang ulo.

Sa isang television interview, sinabi ni Mt. Province Provincial Police Office Public Information Officer P/Lt. Col. Apdilon Galong, ilang testigo ang nagturo sa dalawang batang lalaki na huling kasama ng biktima na kanilang akay-akay bago nawala.

Nagtungo ang mga pulis sa bahay ng mga magulang ng mga batang lalaki at pagkaalis ng mga pulis ay takot na takot ang mga bata na inamin sa kanilang mga magulang na may nagawa silang masama sa 3-anyos na biktima na napatay nila sa insidente.

Itinurnover naman sa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang dalawang batang lalaki para sa counselling.

MOUNTAIN PROVINCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with