Indian niratrat ng tandem
SAN ANDRES, Catanduanes, Philippines — Kritikal ang kondisyong isinugod sa pagamutan ang isang Indian national matapos na pagbabarilin ng hindi nakilalang riding-in-tandem sa kahabaan ng national highway ng Brgy.Lictin, dito sa bayan kamakalawa ng tanghali.
Isang punglo sa dibdib at tagiliran ang tumama sa katawan ng biktimang si “Singh”, 44-anyos, may-asawa, residente ng Brgy.San Roque, Virac.
Patuloy namang tinutugis ang dalawang hindi nakilalang salarin na tumakas patungo sa direksyon ng Brgy. Palawig.
Sa ulat, pasado alas-12 ng tanghali lulan ng kanyang Yamaha Mio Gravis ang biktima at binabagtas ang highway patungo sa San Andres proper nang pagdating nito sa nasabing lugar ay bigl na go humarang ang dalawang salarin na lulan ng hindi naplakahang motorsiklo.
Agad na pinagbabaril ng mga suspek ang biktima gamit ang hindi pa malamang kalibre ng baril sanhi upang duguang humandusay sa kalsada.
Mabilis namang sinaklolohan ng mga tauhan ng MDRRMO-San Andres at mga pulis ang biktima saka isinugod sa Jose Alberto Memorial Hospital. Gayunman, dahil sa maselang lagay ay inilipat ito sa Catanduanes Doctors Hospital at nasa stable na umanong kalagayan.
- Latest






















