^

Probinsiya

P234 milyong marijuana winasak sa Cordillera

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

LAGAWE, Ifugao, Philippines — Nasa P234,210,800 na halaga ng marijuana ang matagumpay na winasak ng mga operatiba ng pulisya sa isinagawang pitong araw na anti-illegal drug eradication sa dalawang lalawigan ng Cordillera, ayon sa ulat kamakalawa.

Ayon sa report ng Police Regional Office–Cordillera Administrative Region (PRO CAR), umabot sa 11 ang isinagawang marijuana eradication na nagresulta sa pagkasunog at pagwasak ng nasa 1,155,630 na puno ng marijuana, 120 seedlings, 15,064 gramo ng tuyong dahon na may mga fruiting tops at 10,000 gramo ng tangkay ng marijuana.

Ang pinakamalaking operasyon ay naitala sa lalawigan ng Kalinga na umabot sa P228,739,680.00 ang halaga habang nasa P6,216,444.00 ang halaga naman ng mga nawasak na droga sa lalawigan ng Benguet.

Samantala, nagsagawa rin ng magkakahiwalay na anti-illigal drug ope­ration ang awtoridad sa Baguio City at lalawigan ng Abra na ikinaarestong limang suspek.

MARIJUANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with