^

Probinsiya

25-anyos ‘rapist’ ng minor arestado

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

 CAVITE, Philippines — Arestado ang isang 25-anyos na lalaki sa lungsod ng Dasmariñas sa isinagawang Warrant operation ng pulisya, kahapon.

Kinilala ang suspek sa alyas “Mani”, 25-anyos, residente ng Brgy. Zone 4 Dasmariñas City, Cavite, at kasama sa Regional Level Most Wanted Person ng pulisya.

Base sa ulat, nagkasa ng warrant operation ang Dasmariñas City Police dakong alas-12:30 ng madaling araw ng Mayo 23, 2026 laban kay Mani.

Bitbit ng pulisya ang warrant of arrest para sa mga kasong Rape of a Minor at 2 counts ng paglabag sa Section 5(B) ng Republic Act 7610 (Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act).

Walang kaukulang piyansa inilaan para sa kasong panggagahasa, habang nagkakahalaga naman ng P360,000.00 ang piyansa para sa mga paglabag sa RA 7610.

Kasalukuyan ng nakapiit sa custodial facility ng Dasmariñas Component City Police Station ang suspek.

ARESTADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with