^

Probinsiya

Radio reporter todas sa ambush!

John Unso - Pilipino Star Ngayon
Radio reporter todas sa ambush!
Masusing iniimbestigahan ng pulisya ang ginawang pagpatay sa isang radio reporter sa BARMM sa ambush site sa Malidegao, Cotabato nitong gabi ng Huwebes.
John Unson

COTABATO CITY, Philippines —  Agad namatay ang isang radio reporter na isa ring barangay official makaraang tambangan ng armadong grupo habang lulan ng motorsiklo kasama ang kanyang misis nitong Huwebes ng gabi sa bayan ng Malidegao, Bangsa­moro Special Geographic Area sa probinsya ng Cotabato.

Tama ng bala sa ulo ang ikinamatay sa ambush ng biktima na kinilalang si Nestor Micator, news reporter ng Empire Radio sa Barangay Fort Pikit na sakop ng Malidegao.

Si Micator ay  idineklarang dead-on-arrival sa hindi kalayuang Cruzado Medical Hospital sa naturang bayan, matapos isugod ng mga responders.

Sa ulat nitong Biyernes ng mga local exe­cutives at ni Captain Steffie Salanguit, spokesperson ng Police Regio­nal Office-Bangsamoro Autonomous Region, magkaangkas sa isang motorsiklo sina Micator at kanyang kabiyak na si Ruvy, at pauwi na sa kanilang tahanan matapos bumili ng ulam sa isang roadside eatery sa isang lugar sa kanilang bayan nang tambangan ng mga armadong kalalakihan hindi kalayuan sa barangay hall ng Fort Pikit.

Mabilis na nakatakas ang mga armadong salarin makaraang mainitang napuruhan ang target na radio reporter. Masuwerte namang nakaligtas sa naturang pamamaril ang misis ng biktima na nagtamo lang ng mga galos at mga pasa sa katawan sanhi ng pag-crash ng kanilang motorsiklo nang nawalan na ng kontrol dito si Micator na nagsilbing driver nang tamaan ng bala ng .45 caliber pistol sa ulo.

Ayon kina Salanguit at mga officials ng Malidegao Municipal Police Station, mabilis na nakatakas ang mga nag-ambush kina Micator gamit ang mga motorsiklo.

Iniulat nitong Biyernes ng local executives sa Malidegao na bukod sa pagiging radio reporter, nagsisilbi rin si Micator bilang ranking member ng lupon, o grupo ng mga community leaders na tumutulong sa barangay government ng Fort Pikit sa pagresolba ng mga peace and security issues sa mga sitio at purok na sakop nito.

Nanawagan ang mga mamamahayag na opisyal at miyembro ng 6th Infantry Division Kampilan Press Corps sa pulisya at Malidegao municipal officials na magtulungan upang agad na makilala ang mga suspek sa pagpatay kay Micator upang masampahan ng kaukulang mga kaso.

COTABATO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with