9 wanted arestado sa Quezon Province

CAMP NAKAR, LUCENA CITY, Philippines — Nalambat ng Quezon Police Provincial Office (QPPO) ang siyam na mga nagtatago sa batas matapos ang matagumpay na magkakahiwalay na operasyon ng iba’t ibang himpilan ng pulisya sa lalawigan ng Quezon, kamakalawa.
Ayon kay QPPO Director PCol. Romulo Albacea, naaresto ng Tiaong Municipal Police Station ang isang Provincial Level wanted person na kinilalang si alyas “Teo” sa kasong Frustrated Murder, habang isang Municipal Level wanted person naman na si alyas “Mano” ang nadakip ng 1st Quezon Provincial Mobile Force Company dahil sa kasong Acts of Lasciviousness.
- Latest















