^

Probinsiya

Nobyo hinataw ng baseball bat ng karibal, patay!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

Nabistong iisa ang kanilang nobya

MANILA, Philippines — Pinaniniwalaang “love triangle” ang motibo sa pamamaslang sa isang 44-anyos na lalaki na pinaghahampas ng baseball bat nang hinihinalang “karibal” sa iisang babae na kanilang sinisinta sa malagim na insidente sa San Carlos City, Pangasinan kamakailan.

Sa report ng San Carlos City Police, ang biktima ay duguang bumulagta at agad na nasawi sa insidente matapos na magkaroon ng internal hemorrhage partikular na sa bahagi ng ulo sa tinamong hampas ng baseball bat sa mga hataw ng kaagaw nito sa pag-ibig.

Ang bangkay ng biktima ay natagpuan sa bypass road sa Brgy. Kaingal ng lungsod noong Sabado ng hatinggabi at narekober din ng mga awtoridad ang baseball bat na may bahid pa ng dugo na ginamit sa krimen.

Arestado naman ang 22-anyos na suspect na kinilala lamang sa alyas na “Batotoy” ay residente rin ng nasabing Bara­ngay sa siyudad na ito na itinuro ng mga nakasaksi sa pangyayari.

Base sa imbestigas­yon, ang suspect at ang biktima ay kapwa umano boyfriend ng babaeng ­kapwa nila pinag-aagawan.

Bago ang krimen, nagkausap pa sa cellphone ang suspect at biktima na nag-aaway sa babaeng pareho umano nilang nobya hanggang sa magbantaan pa ang magkaribal sa kanilang buhay. Nang umalis ng bahay ang biktima, inaba­ngan pala siya ng suspect at pinaghahampas ng baseball bat sa ulo nito na siya nitong ikinasawi.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, selos ang pangunahing motibo ng krimen.

SAN CARLOS CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with