Crane sa ginagawang tulay bumagsak: Obrero dedo
MANILA, Philippines — Patay ang isang 61-anyos na obrero makaraang aksidenteng bumagsak ang isang crane sa isang construction project para sa ginagawang tulay sa Brgy. Udalo, Abra de Ilog, Occidental Mindoro nitong Martes ng hapon.
Sa ulat ng Occidental Mindoro Police, ang biktima ay isang 60 anyos na obrero sa nasabing bridge construction project at residente ng bayan ng Mamburao, Occidental Mindoro ay idineklarang dead on arrival sa Abra de Ilog Community Hospital.
Base sa imbestigasyon, nangyari ang insidente alas-4:30 ng hapon sa nasabing construction project habang abala sa pagtratrabaho rito ang mga manggagawa sa konstruksyon.
Ang nasabing tulay ay bahagi ng Abra de Ilog-Puerto Galera Circumferential Road project na naglalayong pagugnayin ang Occidental Mindoro at Oriental Mindoro.
Ayon sa pulisya, bigla na lamang bumagsak ang nasabing crane habang itinataas nito ang isang konkretong girder kung saan tinamaan ang nasabing matanda na nasa ibaba at nagga-guide sa nasabing operator nang mangyari ang sakuna.
Samantala, sa kuhang video footage na ilang mga residente sa lugar ay makikitang walang suot na Personal Protective Equipment (PPE) ang matanda.
Inaresto naman ng mga pulis ang crane operator na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide.
- Latest



















