Visayas grid nasa yellow alert - NGCP
MANILA, Philippines — Isinailalim kahapon ng National Grip Corporation of the Philippines (NGCP) ang Visayas grid sa “yellow alert” dahil sa forced outage mula alas-3 ng hapon hanggang alas-9 ng gabi.
Ang Visayas grid ay may available capacity na 2,691 megawatts (MW) sa kabila na umaabot ang peak demand sa 2,594 MW.
Ayon sa grid operator, ang 12 planta ay napilitang sumailalim sa outage simula nitong May 2026 at ang isang planta ay mula Marso 2026, tatlong planta noong 2025, dalawang planta mula 2024, dalawang planta mula 2023 ay isang planta noong 2021, habang ang 10 planta ay tumatakbo sa ilalim ng derated capacities para sa kabuuang 846.3 Megawatts na available para sa grid.
Ang ilan sa dahilan ng pagsasailalim sa yellow alert ay dahil sa “unavailability” ng Visayas’ large coal plants na TVI 1, TVI 2 at PEDC 3 gayundin ang high forecasted system demand.
Ang yellow alert ay naidedeklara oras na bumaba ang reserbang enerhiya sa grid.
- Latest
















