Nanay dedo; 2 anak sugatan sa landslide
Higanteng bato gumulong…
MANILA, Philippines — Patay ang 37-anyos na nanay habang sugatan ang kanyang dalawang anak na lalaki nang magulungan ng isang malaking bato sa pagguho ng lupa, sa Rodriguez, Rizal noong Linggo.
Kinilala ng Rodriguez Municipal Police Station ang nasawi na si alyas “Risel;” alyas “Miro,” 2-anyos, at alyas “Jacob,” 12-anyos, pawang mga residente ng Sitio Macopoy, Barangay Mascap Rodriguez Rizal.Saksi ang isa pang anak na alyas “Hazel,” 18-anyos.
Ayon sa ulat, dakong alas-5:30 ng umaga ng Mayo 17, nang maganap ang insidente.
Ayon sa report ni Hazel, narinig niya ang pagsigaw ng ina na “Ano ‘yon? Parang may gumuguho, labas, bilis, labas,” na takot na takot umano. Ilang sandali pa, isang malaking bato ang gumulong sa direksyon nila at direktang tumama sa kanyang ina at sa dalawang anak nito na sina Miro at Jacob.
Isinugod ang tatlo sa Ynares Hospital para sa emergency medical assistance, subalit idineklarang dead-on-arrival si Risel.
- Latest






















