^

Probinsiya

4 tinedyer tumiwarik sa carnival ride, sugatan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

Nagkulitan sa pag-selfie…

MANILA, Philippines — Dahilan sa pagse-selfie, sugatan ang apat na tinedyer makaraan ang mga ito ay mahulog sa carnival ride sa ginaganap na okasyon sa Bilar, Bohol kamakalawa ng gabi.

Sa report ng Bohol Police, nangyari ang insidente sa nasabing bayan habang lulan ang biktima ng  ‘Spongebob ride’ dakong alas-10:30 ng gabi.

Base sa imbestigas­yon, habang tumatakbo ang ‘Spongebob,’ isa sa mga panghalinang ride sa okasyon sa nasabing bayan ay nagtayuan ang mga tinedyer na nagkukulitan sa pagse-selfie. Ayon sa pulisya, bunga nito ay nawalan ng balanse  ang nasabing mga tinedyer habang mabilis ang takbo ng sinasakyan ng mga ito.

Bunsod nito ay tumilapon ang mga ­tinedyer  na ikinasugat ng mga ito bunga ng nangyaring insidente.

Isinugod naman sa pagamutan ang mga tinedyer para malapatan ng lunas sa tinamong mga sugat at galos sa katawan bunga ng insidente. Samantalang sinagot naman ng carnival ride operator ang gastusin ng mga biktima sa hospital.

Patuloy ang imbestigasyon sa kasong ito at inaalam na rin ang pananagutan ng carnival owner at operator sa pagkasugat ng mga biktima.

SELFIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with