^

Probinsiya

3 traffic enforcers sibak sa extortion

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
3 traffic enforcers sibak sa extortion
The map shows Cebu City
Google Map

MANILA, Philippines — Tatlong traffic enforcers ang sinibak sa serbisyo matapos masangkot sa umano’y extortion sa nag-viral na video sa social media sa lungsod ng Mandaue sa Cebu, ayon sa ulat kahapon.

Sa report, ang mga personnel na sangkot ay mula sa Traffic Enforcement Agency Mandaue (TEAM).

Ang nasabing mga personnel ay inireklamo ng pangongotong ng ilang motorista sa lungsod ng Mandaue.

Base sa kumalat sa social media, ang mga traffic enforcers ay nangi­ngikil umano sa mga motorista ng pangmeryenda matapos nilang harangin sa highway ng Mandaue City.

Samantala sa dashcam video, isa sa mga enforcer ang nag-aalok umano ng areglo sa mga sinitang motorista kapalit ng hindi pag-iisyu ng citation ticket.

Bukod rito, tinatakot pa umano ang mga motorista kung ano ang gusto nilang areglo dahil ang parusa sa paglabag sa trapiko ay kailangan pang dumalo sa seminars.

Sa pahayag ni TEAM chief Hyll Retuya, hindi nila kukunsintihin ang mga traffic enforcers na gumagawa ng katiwalian.

Dahil sa mga nakuhang ebidensya sa dash cam video ay inamin na rin umano ng mga traffic enforcers ang kanilang kasalanan.

TEAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with