‘Most wanted’ sa rape nalambat sa Dasma
CAVITE , Philippines — Arestado ng pulisya ang isang lalaking nasa Rank 9 Regional Most wanted person hinggil sa mga kaso ng panggagahasa, kamakalawa sa Brgy. Burol, Dasmariñas City.
Matapos ang may ilang taong pagtatago sa batas, natimbog ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-Cavite Provincial Field Unit sa pangunguna ni Police Major Ian Jsper M Montoya, hepe ng Indang Police ang suspek na kinilalang si Jay-Ar, nasa hustong gulang, kasama sa Regional level Most Wanted Person ng pulisya.
Base sa ulat ng pulisya, nagsagawa ng manhunt operation ang CIDG Cavite kasama ang Maritime Police laban sa suspek. Bitbit ng mga ito ang Warrant of arrest na may kasong 2-Counts of Rape na inisyu ni Presiding Judge Helen B. Constantion- Balbuena, ng Regional Trial Court, 4th Judicial Region branch 128 Dasmariñas City at walang inirekomendang piyansa.
Hindi na nakapalag ang suspek nang arestuhin at posasan ng grupo.
- Latest




















