^

Probinsiya

Teodoro nanguna sa ika-45 anib. ng 5ID

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

GAMU, Isabela , Philippines —  Pinangunahan ng National Defense Secretary Gilberto Gibo Teodoro Jr. ang ika-45 na aniber­saryo ng 5th Infantry Star” Division ng Philippine Army kamakalawa.

Sa kanyang mensahe, binigyang pugay ni Teodoro ang mga kasundaluhan sa pangunguna ni Army MGen. Gulliver Señires, commanding officer ng 5ID, dahil sa kanilang mga matagumpay na programa at operasyon na nagresulta sa pagkadeklara ng ilang lugar sa kanilang nasasakupan bilang insurgency-free.

Siniguro rin ni Teodoro ang patuloy na tulong ng pamahalaan sa lahat ng mga adhikain ng Star Troopers lalo na sa pagpapanatili ng katahimikan at kaayusan para sa kaligtasan ng mamamayan.

Sakop ng 5ID ang buong Region 2 (Cagayan Valley), Cordillera Administrative Region (CAR), Ilocos Region at ilang bagahi ng Panga­sinan.

Samantala, inihayag ni Teodoro ang plano na isailalim sa basic military courses ang mga nagnanais mag-enlist sa Armed Forces of the Philippines (AFP) bilang bahagi ng recruitment. Ito ay para magkaroon ng paunang pagsasanay ang mga aplikante at mahasa ang kanilang disiplina, physical fitness, at kaalaman sa serbisyong militar bago tuluyang sumabak sa aktuwal na training at operasyon.

Layunin din ng programa, ayon kay Teodoro, na mapabuti ang kalidad ng recruitment at mas mapalakas ang hanay ng reservists at active personnel ng militar.

TEODORO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with