^

Probinsiya

P34.5 milyong droga isinuko ng mangingisda sa Quezon

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

CAMP BGEN GUILLERMO P NAKAR, Lucena Citym Philippines — Kusang-loob na isinuko ng isang mangi­ngisda sa Patnanungan Municipal Police Station ang limang tape-sealed plastic bag na naglalaman ng white crystalline substance na nasa 6.5 kilo ng pinaghihinalaang ilegal na droga kahapon. 

Batay sa ulat na tinanggap ni Quezon Police Provincial Office (QPPO) Director PCol. Romulo Albacea, ang nagreport na si alias “Joven,” 52 taong gulang at residente ng Sitio Katakian, Barangay  Busdak, Patnanungan, Quezon, ay personal na nagtungo sa himpilan ng pulisya bandang alas-11:30 ng umaga upang isuko ang naturang mga nakuhang ilegal na droga na umano’y nadiskubre noong Pebrero 2026 sa naturang lugar.

Sa paunang imbestigasyon, ang nasabing mga tape-sealed plastic bags ay may kabuuang timbang na humigit-kumulang 6,514.7 gramo at may Standard Drug Price (SDP) sa PDEA na P34,528,387. 

Ang mga nakuhang substance ay sasailalim pa sa pagsusuri ng Quezon Provincial Forensic Unit upang matukoy ang tunay na uri nito.

Ayon kay Col. Albacea, mahalaga ang pakikipagtulungan ng mamamayan sa kampanya laban sa ilegal na droga.

DRUGS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with