^

Probinsiya

Subic isinailalim sa state of water emergency

Jojo Perez - Pilipino Star Ngayon

Takeover sa operasyon, posible

SUBIC, Zambales – Nagdeklara na ng State of Water Emergency ang lokal na pamahalaan ng Subic sa pamamagitan ni Mayor Jonathan “Jon” Khonghun matapos ang sunud-sunod na reklamo ng mga residente kaugnay sa mahina at hindi maayos na suplay ng tubig sa ilang barangay at business areas sa bayan.

Batay sa ipinalabas na Executive Order na may petsang Mayo 11, 2026, sinabi ni Mayor Khonghun na kinakailangan nang magsagawa ng agarang aksyon dahil sa madalas na pagkawala ng tubig, mahinang pressure, mabagal na restoration ng serbisyo at lumalalang hinaing ng publiko laban sa serbisyo ng tubig sa Subic.

Kahapon ay personal na nagsagawa ng inspeksyon si Mayor Khonghun sa mga water facilities at pumping stations sa kanilang bayan upang tiyakin ang pagpapatuloy ng emergency response operations.

Sa isinagawang inspeksyon, napag-alamang muli nang gumagana ang mga pumping machine ng PrimeWater Infrastructure Corporation at Village Water dahilan upang muling magkaroon ng suplay ng tubig sa ilang apektadong residente at komunidad.

Sa kabila nito, nagbabala si Khonghun sa PrimeWater at Village Water na hindi magdadalawang-isip ang lokal na pamahalaan na i-takeover ang kanilang operasyon sakaling maulit pa ang kakulangan o matagal na pagkawala ng suplay ng tubig sa Subic.

Sa ilalim ng Executive Order, inaatasan ang lahat ng tanggapan ng Munisipyo na may kakayahang logistikal kabilang ang water tankers, fire trucks, utility vehicles at heavy equipment na tumulong sa pamamahagi ng tubig sa mga kritikal na apektadong lugar.

EMERGENCY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with