^

Probinsiya

Quezon inalis na sa ‘top 10 provinces nag mga batang bansot’

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

UCENA CITY , Philippines — Naalis na ang lalawigan ng Quezon sa talaan ng Top 10 provinces na may pinakamataas na “stunting” rate o pagkabansot ng mga bata matapos palakasin ang mga programang pangnutrisyon tulad ng Enhanced Nutribun Supplementation Program at sa tulong ng Philippine Multisectoral Nutrition Project (PMNP).

Ayon sa ulat ni Governor Dra. Helen Tan, ang island municipalities sa Alabat Group of Island na dating may mataas na tala ng stunting ay unti-unti ng nagkakaroon ng pagbaba ng bilang dahil sa interbensiyon ng lokal na pamahalaan at provincial government.

Batay sa datos ng National Nutrition Council (NNC) Region IV-A, kabilang noon ang Quezon Province sa may pinakamataas na prevalence ng ­stunting sa rehiyon.

Patuloy na hinihikayat ng NNC ang mga lokal na pamahalaan, pribadong sektor, akademya, at iba pang ahensiya ng gobyerno na magtulungan upang mapalawak ang mga programang tutugon sa malnutrisyon at food insecurity.

NNC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with