^

Probinsiya

Senior citizen, binistay ng bala sa Basilan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang ­senior citizen matapos itong bistayin ng bala ng hindi pa nakilalang motorcycle riding-in-tandem na mga armadong salarin sa naganap na karahasan sa highway ng Isabela City, Basilan noong Linggo. 

Kinilala ang biktima na si Gilberto Francisco Toledo, 60-anyos, dead-on-the-spot sa tinamong mga tama ng bala sa katawan.

Sa ulat ng Basilan Police, naitala ang krimen habang nagmamaneho ang biktima ng motorsiklo na bumabagtas sa highway ng Brgy. Lanote, Isabela City, Basilan.

Ayon sa imbestigas­yon, kasalukuyang nagmamaneho ang matanda ng motorsiklo nito nang harangin ng riding-in-tandem na mga suspect.

Ilang saglit pa ay sunud-sunod na putok ng baril ang umalingawngaw sa lugar na sumapul sa katawan ng biktima na duguang tumilapon sa sinasakyan nitong motorsiklo.

Pagbagsak sa ­kalsada, muli pang pinaputukan ng mga suspect ang biktima upang tiyakin na patay ang kanilang target saka mabilis na nagsitakas.

SENIOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with