^

Probinsiya

PCG-Palawan nag-isyu ng ‘notice to all mariners’

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

Sa paglulunsad ng rocket ng China..

MANILA, Philippines —  Nag-isyu ang Philippine Coast Guard (PCG) Palawan ng ‘notice to all mariners’ kaugnay ng nakatakdang pag­lulunsad ng China ng rocket ngayong Lunes, Mayo 11, 2026.

Nabatid na ang Long March 7 rocket mula sa Wenchang Space Launch Site, Hainan ay ilulunsad sa pagitan ng 08:05 AM at 08:29 AM, oras sa Pilipinas.

“The People’s Republic of China is scheduled to launch the LONG MARCH 7 rocket from Wenchang Space Launch Site, Hainan on 11 May 2026 between 08:05 AM and 08:29 AM (Philippine Standard Time),” abiso ng PCG.

Kaugnay nito, nagpaalala ang PCG Palawan kaugnay sa posibleng debris impact areas na tinatayang nasa 34 NM mula sa Bajo de Masinloc; 97 NM mula sa Cabra Island, Occidental Mindoro; at 130 NM mula sa Busuanga, Palawan.

Pinaaalalahanan naman ng PCG ang mga marinero sa lugar na magpatupad ng matinding pag-iingat habang naglalayag sa mga naturang drop zone dahil sa posibilidad na may anuring debris doon.

Mahigpit din ang payo ng PCG sa publiko na huwag hawakan, iahon at lapitan ang anumang kahina-hinalang floating objects sa lugar.

Sakali naman anilang may makita o marekober na debris, ay maaari itong kaagad na ireport sa pinakamalapit na Coast Guard Station/Sub-Station o via VHF Channel 16.

Para naman sa assistance anlt emergency concerns, maaaring kumontak sa CGS Eastern Palawan sa numerong 0930-095-7283 at substations na CGSS Manamoc – 0981-286-3639; CGSS Agutaya – 0981-564-9100; CGSS Concepcion – 0965-495-2854; CGSS Algeciras – 0967-067-2438 at CGSS Cagayancillo – 0907-816-3935.

PCG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with