^

Probinsiya

3,580 litro ng krudo nasabat sa checkpoint

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines — Nasa 3,580 litro ng krudo na nagkakahalaga ng P304,300 ang nasabat ng mga awtoridad sa isang checkpoint sa bayan ng Santa Fe sa lalawigang ito, ayon sa ulat kamakalawa.

Ito ay nagresulta sa pagkaaresto naman ng isang 59-anyos na lalaki na residente ng Barangay Ambuklao, Bukod, Benguet.

Ayon sa ulat ng Santa Fe Police, nagsasagawa ng routinary checkpoint ang mga operatiba ng pulisya nang tumanggi na tumigil ang isang Izusu mini dump trak ng kanilang pahintuin.

Dahil dito, nagkaroon ng habulan hanggang sa makorner ng mga awtoridad ang sasakyan sa Barangay Baliling sa nasabing bayan.

Tumambad ang walang dokumentong mga krudo kabilang ang 6 na drums na may lamang tinatayang 1,200 litro 2 container na may 2,000 litro; 13 iba pang gallon na may tig-260 litro bawat isa; at 4 na iba pang galon na may humigit-kumulang naman sa 120 litro.

Ang operasyon ay isinagawa ng pinagsanib na puwersa ng Santa Fe Police, 205th Mobile Company, 2nd Mobile Force Battalion, at Regional Mobile Force Battalion 2 (RMFB2).

CHECKPOINT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with