Utol, ginilitan at binurdahan ng saksak si ate

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Isang insidente ng pagpatay na sangkot ang dalawang magkapatid na naganap nitong Mayo 6, 2026, bandang alas-8:00 ng gabi, sa loob ng isang bahay sa Block 109, St. Martha, Brgy. Batia, Bocaue, Bulacan, pagkatapos burdahan ng saksak ng utol na lalaki ang kanyang ate.
Ang biktima ay kinilalang si Liezel De Guzman y “Loyola” samantalang ang suspek ay si John Paul Celestino y “Buenaventura,” 33 taong gulang, kapwa residente ng St. Martha, Brgy. batia, Bocaue.
Napag-alaman na ang biktima at ang suspek ay matagal nang may alitan sa isa’t isa bago naganap ang krimen.
Nagsampa ng reklamo ang mister ng biktima na si Rolando De Guzman y Santiago, 52 taong gulang, electrician, residente ng Lot 3 B110, St. Martha, Brgy. Batia, Bocaue, Bulacan ukol sa pagpaslang sa kanyang misis.
Kinilala naman ng saksi na si Harold Jagna y Loyola, 20 taong gulang, tricycle driver, residente ng B16 L41 Ph.2 AFP/PNP Housing, Brgy. Batia, Bocaue, Bulacan, ang suspek na siyang nakakita sa insidente.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon, matapos maghapunan ang biktima ay lumabas dahil sa kawalan ng kuryente sa kanilang lugar, kasama ang kanyang asawa para manigarilyo.
Ilang sandali pa, ipinaalam ng biktima sa kanyang mister na bibisitahin niya ang kanyang kapatid sa parehong bloke na hindi kalayuan sa kanila, kung saan ito tumungo.
Pagkatapos, napansin ng asawa na may komosyon mula sa lugar kung saan pumunta ang kanyang misis at agad na nagmadaling sumugod sa lugar.
Pagdating sa naturang bahay ay nakita niya ang kanyang misis na nakahandusay sa sahig at duguan. Dahil sa rami ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan nito, ang suspek ay agad na tumakas.
Isinugod ang biktima sa Rogaciano M Mercado Memorial Hospital para sa agarang medikal na atensyon ngunit idineklara itong dead-on-arrival bandang alas-8:50 ng gabi ng attending physician na si Dr. Florante C Sabino.
Sa follow-up operation na pinangunahan ng Bocaue MPS COP PLt.Colonel Gilbert C Diaz kasama ang Bulacan PPO DPDO Leonardo N. Madrid at PDEU Bulacan, nahuli ang suspek sa Barangay Sulucan, Bocaue, Bulacan.
Inihahanda na ang kaukulang reklamong kriminal para sa pagsasampa sa Tanggapan ng Panlalawigang Taga-usig sa Malolos, Bulacan.
- Latest



















