^

Probinsiya

Lola nilamon ng apoy, mister sugatan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Lola nilamon ng apoy, mister sugatan
Kinilala ni Bacolod City Deputy Fire Marshal Fire Inspector Jamarie Tapiru ang nasawing biktima na si Rosa Magbanua.
File

MANILA, Philippines — Patay ang isang 79-anyos na lola habang sugatan naman ang mister nito matapos na lamunin ng apoy ang kanilang tahanan sa naganap na sunog sa Brgy. Alijis, Bacolod City, Negros Occidental nitong Miyerkules ng gabi.

Kinilala ni Bacolod City Deputy Fire Marshal Fire Inspector Jamarie Tapiru ang nasawing biktima na si Rosa Magbanua.

Kasalukuyan namang nilalapatan ng lunas ang nasugatang biktima na si Jose Magbanua, 62 taong gulang na nagtamo ng 2nd degree burns sa kaniyang leeg.

Sa imbestigasyon, ang sunog ay naganap dakong alas-9:45 ng gabi, pero bandang alas-10:04 na ng gabi nang ireport sa mga bumbero. 

Kasalukuyang natutulog na ang mag-asawa nang magising ang matandang lalaki sa makapal na usok sa katabi nilang silid kung saan sa matin­ding taranta ay lumabas ito ng pintuan para ­humingi ng tulong. 

Gayunman, nabigo ng maisalba ang buhay ng kaniyang asawa dahilan nababalutan na nang makapal na apoy ang kanilang tahanan.

Nagresponde ang mga bumbero at naapula ang sunog dakong ala-10:21 ng gabi habang ang sunod ay nakaapekto rin sa anim na katabi nitong kabahayan na pawang gawa sa mahihinang uri ng materyales.

Patuloy naman ang masusing imbestigas­yon upang matukoy ang pinagmulan ng sunog at magkano ang pinsala sa insidente.

APOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with