^

Probinsiya

Pulis utas, 4 pa sugatan sa shootout!

John Unson, Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Pulis utas, 4 pa sugatan sa shootout!
Sa ulat, sinabi ni P/Captain Steffi Salanguit, Spokesman ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR) dakong alas-11 ng umaga nang mangyari ang insidente.
STAR/ File

Warrant ops vs ‘wanted’

MANILA, Philippines — Isang miyembro ng PNP-Special Action Force (SAF) ang patay habang apat pang kabaro ang sugatan nang mauwi sa shootout ang warrant operation laban sa isang lalaking wanted sa  kasong murder sa Brgy. Lumbak, Buadipuso-Buntong, Lanao del Sur nitong Lunes ng umaga.

Sa ulat, sinabi ni P/Captain Steffi Salanguit, Spokesman ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR) dakong alas-11 ng umaga nang mangyari ang insidente.

Habang isinisilbi ng mga pulis sa pamumuno nina P/Captain Nur Basher Cayda, hepe ng Buadipuso-Buntong at Lt. Mubarrak Dimakuta ng SAF 41st Special Action Company, Police 4th Special Action Battalion ang warrant of arrest laban kay  Sukair Diongcat na wanted sa kasong murder at attempted murder sa kanyang hinihinalang hideout nang salubungin sila ng mga putok ng assault rifles mula sa mga armadong suspect.

Ang insidente ay nauwi sa ilang minutong palitan ng putok sa pagitan ng mga awtoridad at ng grupo ni Diongcat na ikinasugat ng limang na pulis.

Bunga nito, nagsagawa ng reinforcement ang  SAF dala ang mga armored personnel ­carriers sa lugar.

Ang mga nasugatang pulis ay mabilis na isinugod sa pagamutan sa Marawi City para malapatan ng pangunahing lunas pero isa sa kanila ang binawian ng buhay habang ginagamot.

Tinutugis na ang mga suspek na posibleng may mga sugatan din sa kanilang panig.

SAF

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with