Eastern Samar nilindol ng 6.1 magnitude
MANILA, Philippines — Niyugyog ng magnitude 6.1 na lindol ang Eastern Samar kahapon ng hapon. ng alas-2:09 ng hapon.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), tumama ang lindol bandang alas-2:09 ng hapon. Ang sentro ng lindol ay sa may 20 kilometro ng hilagang silangan ng San Julian Eastern Samar. Umaabot naman sa 56 kilometro ang lalim ng lupa ng naturang lindol.
Bunsod nito, naramdaman ang lakas ng lindol sa Intensity V sa Can-Avid, Eastern Samar, Dulag, at Alangalang, Leyte, Gandara, Samar, Intensity IV sa Abuyog, Palo, at Carigara, Leyte, Intensity III sa Naval, Biliran, Hernani, Eastern Samar, Ormoc City, Hilongos, Albuera, Baybay, Villaba, at Isabel, Leyte, Sorsogon City, Bulusan, Sorsogon, Malitbog, San Francisco, Hinundayan, at Sogod, Southern leyte, Intensity II sa Kawayan, Biliran, San Francisco, Cebu, Monreal, at Esperanza, Masbate, Prieto Diaz, Sorsogon at Intensity I sa Tabaco, Albay, Carcar, Liloan, at Cebu City, Cebu ; Sta. Maria, Davao Occidental ; Passi City, Iloilo Aroroy, at Cataingan, Masbate, Donsol, Sorsogon at Maasin, Southern Leyte.
Inaasahan ng Phivolcs ang pagkakaroon ng mga aftershocks at pinsala sa pagtama ng lindol.
- Latest

















