^

Probinsiya

Chinese trader ninakawan ng kasambahay at dyowa

Cristina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Isang negosyanteng Chinese national ang nabiktima ng pagnanakaw ng sarili umano nitong katulong at kinakasama ng huli sa loob ng kanyang tahanan, kamakalawa sa Brgy. Bucandala 3, Imus City.

Aabot sa mahigit kumulang sa P5 milyong halaga ng mga gold na alahas ang natangay ng mga suspek sa biktima na kinilala sa alyas “Wu”, 27-anyos,  residente ng Brgy. Bucandala 3, Imus City, Cavite.

Hawak naman ng pulisya ang isang suspek na si alyas “Myles”, 37, stay-in kasambahay na sinasabing kasabwat ng live-in partner nito na si alyas “Ed” sa pagnanakaw sa kanyang amo.

Base sa ulat, alas-9 ng umaga nang madiskubre ng biktima na nalimas ang kaniyang mga alahas na kinabibilangan ng limang gold rings, tatlong pares ng gold earrings, dalawang gold necklace at isang gold bracelet na aabot sa halagang mahigit kumulang sa kalahating milyon.

Nang i-review nito ang kaniyang CCTV sa bahay, nakita nito ang boyfriend ng kaniyang kasambahay na siyang tumangay umano ng mga alahas.

Nang komprontahin ang kasambahay, inamin nito na siya umano ang nagbigay ng susi sa suspek upang makapasok sa bahay ng amo.

Kapwa nahaharap sa mga kasong Qualified Theft ang mga suspek.

ED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with