^

Probinsiya

Dispatcher binaril ng jeepney driver, todas

Cristina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Binaril at napatay ng isang jeepney driver ang kanilang dispatcher makarang magkainitan sa Brgy. Batong Malake, Los Baños, Laguna kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang biktima na si alyas “Christian”, 24- anyos, dispatcher ng mga pampasaherong jeepney, residente ng Purok 1 Los Baños Laguna.

Arestado naman sa follow-up operation ng pulisya ang jeepney driver na kinilalang si alyas “Rodolfo”, 45-anyos, residente ng Calauan, Laguna

Sa ulat ng pulisya, alas-5:25 ng hapon nang maganap ang insidente sa tapat ng isang bangko sa National Highway ng Brgy. Batong Malake habang ang suspek ay nasa kanyang dyip kasama ang 10-anyos nitong anak at nagsasakay ng mga pasahero.

Dispatcher ang biktima sa lugar nang magkasagutan ang mga ito at mauwi sa mainitang pagtatalo.

Hindi umano nagustuhan ng suspek ang mga salitang binitiwan ng biktima kung kaya agad itong bumaba ng kaniyang jeep at binitbit ang kaniyang maiksing baril na Armscor 200 cal .38 SPal revolver at binaril ng dalawang beses ang dispatcher.

Agad namang naitakbo sa pagamutan ang biktima subalit idineklarang dead-on-arrival na.

CRIME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with