^

Probinsiya

Babaeng may-ari nagwala, nagpaputok ng baril!

Cristina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon
Babaeng may-ari nagwala, nagpaputok ng baril!
Mga kasong Alarm and Scandal at Indiscriminate Discharge of Fire Arm ang mga kasong isinampa sa babaeng suspek na kinilalang si alyas “Sheryl,” nasa hustong gulang, residente ng nasabing lugar.
STAR / File

Kotse nakabalagbag, na-clamp

CAVITE, Philippines — Nahaharap sa patung-patong na kaso ang isang babae matapos na magpaputok ng baril nang i-clamp ng mga traffic enforcers ang sasak­yang nitong nakabalagbag, kamakalawa sa kahabaan ng Arnaldo Highway, Brgy. Santiago, Gen. Trias City.

Mga kasong Alarm and Scandal at Indiscriminate Discharge of Fire Arm ang mga kasong isinampa sa babaeng suspek na kinilalang si alyas “Sheryl,” nasa hustong gulang, residente ng nasabing lugar.

Base sa ulat, alas-10:30 ng umaga habang nagsasagawa ng clearing operation sa lugar ang Traffic Management Office ng Gen Trias City ng madaanan ng mga ito ang ‘di umano’y sasakyan ng biktima na wala sa ayos ang pagkaka-park nito.

Isang residente rin umano ang nagreklamo sa kinauukulan dahil balagbag ang pagkaka-park ng sasakyan ng babae na ‘di kalayuan sa tindahan nito.

Nang dumating doom ang mga traffic enforcers ng Traffic Management, agad umano nilang kinabitan ang sasakyan at inisyuhan ng ticket.

Nang makita ng babae ang naka-clamp nitong sasakyan, nagalit ito at agad na naglabas ng baril at ipinutok saka umalis sa lugar.

Ilang minuto lamang ay muling bumalik sa kaniyang sasakyan kung saan dito na siya inaresto ng mga barangay kagawad at itinawag sa Gen. Trias Police.

Narekober sa suspek ang isang kalibre 9mm pistol Taurus G3 na may serial number AGE228074.

Natagpuan din sa lugar ang isang fired cartidge ng nasabing baril.

GEN. TRIAS CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with