^

Probinsiya

Rape suspect ng 11-anyos, tigok sa selda!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Palaisipan ngayon kung inatake nga ba sa puso o pinatay ng mga kapwa inmates ang isang suspect sa panggagahasa sa 11-anyos na batang babae sa selda nito sa Cebu City Jail Male Dormitory, ayon sa ulat kahapon.

Ang preso na tinukoy lamang sa palayaw na Andot ay nadiskubreng halos hindi na humihinga sa detention cell nito.

Sa ulat ng Cebu City Jail, ang insidente ay naganap sa nasabing piitan noong nakalipas na Abril 26.

Agad namang isinugod ng mga jail guards ang inmate sa pagamutan pero idineklara nang dead-on-arrival.

Gayunman, duda ang pamilya ng nasabing preso na inatake siya sa puso matapos namang makitaan ito ng nangi­ngitim na malalaking pasa sa likuran at hita.

Samantala, dalawang anggulo ang sinisilip ng mga awtoridad sa kasong ito kabilang na ang posibilidad na pisikal na sinaktan o binugbog ng mga kapwa inmates ang suspect at ikalawa ay talagang dumanas ito ng atake sa puso.

Hinihintay pa ng pamilya ang resulta ng awtopsiya sa bangkay ng rape suspect upang mabigyang linaw ang insidente.

CEBU CITY JAIL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with