Driver, 4 pa tiklo sa shabu, mga baril
CAVITE, Philippines — Arestado ang Lima katao kabilang ang isang driver at 3 kababaihan sa isinagawang buybust operation ng pulisya sa isang subdivision sa Brgy. San Francisco Gen Trias City.
Kinilala ang mga suspek na sina alyas Niel, 43 anyos, driver, residente ng Brgy Mambog Bacoor City, alyas Kim, 37 anyos, residente ng Bel Aldea Subdivision, Brgy San Francisco, General Trias, alyas “Jane,” 35- anyos ng Brgy Mambog 2, Bacoor, alyas “Lyndon,” 41-anyos, mekaniko, residente ng Bel Aldea Subdivision, Brgy. San Francisco, General Trias at alyas “Angie,” 23-anyos
Base sa ulat ng Gen Trias City Police, alas-10:45 ng gabi ng ikasa ng Gen. Trias City Police sa pangunguna ni Pol Lt. Col. Bismark Mendoza, hepe ng pulisya sa lungsod na ito ang isang buy-bust sa Bel Aldea Subdivision ng nasabing lugar.
Nakumpiska sa mga suspek ang 10 medium size na plastic sachet na naglalaman ng mga shabu at isang knot tied transparent na plastic bag na naglalaman din ng mga shabu.
Sa kabuuan, mahigit kumulang sa 100 gramo ng shabu ang nakumpiska sa mga suspek. Narekober din ang isang Cal.45 Pistol na walang serial number, 1 Cal.45 Magazine, 13 bala ng Cal.45 at isang Cal.45 Holster, kasama na ang buy-bust money na ginamit sa operasyon.
- Latest

















