^

Probinsiya

Tricycle driver tinodas ng TODA prexy!

Ed Amoroso, Cristina Go Timbang - Pilipino Star Ngayon
Tricycle driver tinodas ng TODA prexy!
Map of Laguna with Santa Rosa highlighted
Wikipedia

Nagtalo dahil sa pamasahe

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Isang 26-anyos na tricycle driver ang binaril at napatay ng kapwa driver at umano’y presidente ng Tricycle Operators and Drivers’ Association (TODA) kasunod ng kanilang mainitang pagtatalo dahil sa isyu ng pamasahe sa Brgy. Don Jose, Sta. Rosa City, noong Sabado ng gabi.

Kinilala ang nasawi na si alyas “Albert” 29, tricycle driver, na dinala sa Medical City South Luzon Hospital, pero idinekla­rang dead-on-arrival dahil sa maraming tama ng baril sa kanyang katawan.

Nakatakas ang suspek na isang alyas “Joelan”, na napaulat na presidente ng TODA, sakay ng isang motorsiklo matapos ang insidente.

Ayon kay Lt. Col. Benson Pimental, hepe ng Sta.Rosa City police na ang suspek ay positibong kinilala ng kanyang mga kapwa miyembro ng TODA bilang pumatay sa biktima.

Ani Pimental, nagsagawa ng hot pursuit operation ang nabuong tracker operatives laban sa suspek na posibleng nagtatago sa kanyang bayan habang nakatakdang ihain sa City Prosecutor’s Office ngayong araw ang kasong pagpatay laban sa kanya.

Ayon sa police report, sina Joelan at Albert ay sakay ng tricycle nang magkaroon ng mainitang pagtatalo sa isyu ng pamasahe sa kahabaan ng Don Jose Arch, bandang alas-10:15 ng gabi. Sinenyasan, sinuntok ni Joelan, na galing umano sa pagtitipon, si Albert. Kasunod nito, nagtungo si Albert sa barangay hall para iulat ang insidente at balak magsampa ng reklamo laban kay Joelan. Kung kaya, sinundan ni Joelan si Albert at muling hinarap, na humantong sa isa pang mainitang pagtatalo hanggang sa bumunot ng baril ang huli at sunud-sunod na pinaputukan ang biktima na naging sanhi ng kanyang kamatayan.

STA. ROSA CITY

TODA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with