^

Probinsiya

6 ‘tulak’ sa Quezon sakote sa drug ops

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

CAMP NAKAR, Lucena City, Philippines — Nagtala ng panibagong tagumpay ang Quezon Police Provincial Office (QPPO) sa pinaigting na kampanya laban sa ilegal na droga matapos magsagawa ng apat na magkakahiwalay na operasyon na nagresulta sa pagkakaaresto ng anim na indibidwal kamakalawa.

Ayon kay QPPO Director PCol. Romulo Albacea, sa kabuuan ay humigit-kumulang 17.96 gramo ng hinihinalang shabu ang nakumpiska, na may tinatayang street value na Php 366,384.00.

Ang Lucena City Component Police Station (CCPS) at ang Mauban Municipal Police Station (MPS) ang nagtala ng pinakamalaking kontribusyon sa kampanya laban sa ilegal na droga kung saan dalawang suspek ang naaresto sa Lucena City matapos maaktuhan sa buy-bust operation sa Barangay Ibabang Talim.

Aabot sa tinatayang 4 gramo ng shabu na may street value na P81,600.00 ang nasamsam mula sa mga suspek.

Samantala, sa Mauban, Quezon, isang suspek naman ang nadakip sa isinagawang operasyon sa Barangay Sadsaran at nakum­piskahan ng humigit-kumulang 12.46 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P84,728.00, kabilang ang iba pang drug paraphernalia.

Nagsagawa rin ng matagumpay na ope­rasyon ang Sariaya MPS at Infanta MPS na nag­resulta sa pagkakaaresto ng tatlo pang suspek at pagkakasamsam ng karagdagang ilegal na droga.

Lahat ng mga naares­tong indibidwal ay mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

QPPO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with