Mag-asawang senior, binurdahan ng saksak
MANILA, Philippines — Kapwa inoobserbahan ang mag-asawang senior matapos itong pagsasaksakin ng 1 lalaking helper ng mga ito sa negosyo, kamakalawa sa Brgy. Lemery, Batangas.
Nahaharap sa kasong Double Frustrated Murder ang naarestong suspek na kinilala sa alyas “Mohammad Bautista”, nasa hustong gulang, helper ng mga biktima, residente ng Agoncillo Batangas.
Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-11 ng gabi ng maganap ang krimen, kasalukuyang ng nagpapahinga ang mag-asawang biktima na kinilalang sina alyas “Pedro,” 69-anyos, at “Araceli,” 67-anyos kapwa residente ng Barangay Ayao Iyao Lemery Batangas nang pasukin ito ng armadong suspek at sunud-sunod na inundayan ng mga saksak.
Agad namang nakasigaw ang mga biktima upang humingi ng tulong habang mabilis na tumakas ang suspek na agad ding naaresto sa tulong ng ilang residente at mga barangay opisyal ng lugar.
Mabilis na naitakbo sa pagamutan ang mga biktima at kasalukuyang mga inoobserbahan.
- Latest

















