27 biktima ng sexual trafficking nasagip, 4 arestado

MANILA, Philippines — Nasagip ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang 27 babaeng biktima ng sexual trafficking kabilang ang dalawang menor-de-edad, sa sinalakay na limang night club sa Barangay San Francisco, Agoo, La Union noong Miyerkules ng gabi.
Ang rescue mission at ang pagsalakay ay isinagawa ng isang composite team mula sa Ilocos Regional Office ng NBI at mga tanggapan ng distrito nito sa Laoag, Vigan, Dagupan, at Alaminos na kasama ang mga kinatawan ng Department of Social Welfare and Development, kasunod ng impormasyon mula sa Destiny Rescue Pilipinas Inc.
Sa ulat, sinabi ni NBI-Ilocos Region Regional Director Victor John Paul Ronquillo na matapos ang case build-up at pagmamanman, isinagawa ang mga pagsalakay noong Abril 22, sa limang bar sa Marcos Highway na natukoy na may ilang guest relations officer (GRO) na ibinubugaw ay menor- de-edad.
Isinailalim na sa inquest proceedings ang dalawang may-ari ng club at dalawang floor manager/cashier na inaresto sa paglabag sa qualified human trafficking sa ilalim ng amyendahang Anti-Trafficking in Persons Act, o Republic Act 9208.
Nasa pangangalaga na ng DSWD-Region 1 ang mga biktima para sa dokumentasyon, at psychosocial support interventions. (
- Latest
















