Dental clinic nilooban, P100K tangay
CAVITE, Philippines — Nilooban ng isang lalaking nakabisikleta na gamit sa pagtakas ang isang dental clinic at natangay nito ang may mahigit sa P100-K na iba’t ibang gamit dito, kamakalawa sa Brgy. Bayan Luma 9, Imus City, Cavite.
Agad naaresto ang suspek sa follow-up ng pulisya na kinilala sa alyas “Abdol,” nasa hustong gulang.
Natangay ng suspek sa DANA Dental Clinic ang 1 Samsung Galaxy Tablet, 1 pouch organizer na naglalaman ng Cash, 1 keyboard oral camera, at 1 Oppo na cellphone na aabot sa kabuuang halaga na P116,000.00.
Sa follow-up ng pulisya ay nakilala ang suspek na pinasok nito ang clinic dakong alas-1:11 ng madaling araw at tinangay ang mga nasabing gamit at pera. Tumakas ito sakay lamang ng bisikleta.
Naaresto ang suspek at nabawi ang ilang ninakaw nito. Nakuhanan ito ng 1 plastic sachet na naglalaman ng shabu.
Nahaharap sa kasong Robbery and Violation of Section 11 RA 9165 ang nasabing suspek.
- Latest



















