^

Probinsiya

20 Chinese nationals timbog sa illegal mining

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawampung Chinese nationals ang nasakote ng pinagsanib na elemento ng militar at ng Bureau of Immigration-Davao Region 11 matapos ang mga itong ireklamo sa illegal na pagmimina ng ginto sa isinagawang magkakahiwalay na operasyon sa rehiyon nitong Miyerkules.

Sa report ng Army’s 10th Infantry Division, sa isinagawang paghuli sa nasabing mga Chinese nationals Pantukan, Davao de Oro, Tagum City, at Davao del Norte.

Hindi na nakapalag ang grupo ng mga Chinese nationals matapos maaktuhang naghuhukay sa nasabing illegal mining operations.

Nabigo ang nasabing mga Chinese nationals na hirap magsalita ng English na makapagprisinta ng mga kaukulang dokumento na nakunan din ng mga expired na visa na isang kasong paglabag sa Immigration Act.

Nakumpiska sa mga ito ang mga heavy equiptment, eksplosibo, at mga uniporme na iniuugnay sa Chinese People’s Liberation Army.

Nabatid na ang mga dayuhang Chinese ay sangkot sa small-scale illegal mining operation.

Nasa kustodya ng Bureau of Immigration ang mga Chinese sa kasong paglabag sa Philippine Mining Act of 1995 o ang Republic Act (RA) 7942).

ILLEGAL MINING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with