^

Probinsiya

3 driver todas sa pamamaril sa Calabarzon!

Cristina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon
3 driver todas sa pamamaril sa Calabarzon!
Sa ulat, pinagbabaril at napatay ng hindi na­kilalang suspek ang driver na si alyas Ramil, habang pababa pa lamang sa ipinark nitong jeepney galing sa biyahe dakong alas-5 ng hapon sa tapat ng isang fastfood restaurant sa Brgy, Molino 3 Bacoor City.
STAR / File

CAVITE, Philippines —Tatlong ­driver ang kumpirmadong patay sa magkakasunod na insidente ng pamamaril sa Calabarzon region.

Sa ulat, pinagbabaril at napatay ng hindi na­kilalang suspek ang driver na si alyas Ramil, habang pababa pa lamang sa ipinark nitong jeepney galing sa biyahe dakong alas-5 ng hapon sa tapat ng isang fastfood restaurant sa Brgy, Molino 3 Bacoor City.

Sa ulat ng pulisya, kakadating pa lamang ng biktima galing sa biyahe at nag-park ito sa nasabing lugar nang dumating ang isang motor sakay ang suspek. Nag-park din ito sa lugar at naglakad patungo sa biktima at pinagbabaril ito bago muling bumalik sa kaniyang motor at tumakas.

Samantala, alas-3 ng hapon nang dikitan at pagbabarilin ng ‘di kilalang suspek ang isang rider na si alyas Marlito habang sakay ng Honda wave na motorsiklo sa Purok 1, Brgy. Palo Alto, Calamba City, Laguna.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, nakarekober sila ng isang sling bag sa biktima na naglalaman ng 3 plastic sachet ng shabu at isang bala ng ‘di pa batid na kalibre ng baril.

Sumunod din ang isa pang rider na pinagbabaril at napatay ng ‘di nakilalang suspek habang ang biktima ay sakay ng motorsiklo nito at bumabagtas sa Brgy. Sambat, Balayan, Batangas dakong alas-10:45 ng gabi.

CALABARZON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with