^

Probinsiya

Trak nag-dive sa dagat, driver sugatan

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

MASBATE CITY, Masbate, Philippines — Sugatan ang isang driver matapos na mawalan ng kontrol at mahulog ang kanyang minamanehong trak sa dagat ng Masbate City Port sa nasabing lungsod kamakalawa ng umaga.

Nagpapagaling at nasa mabuti nang kalagayan ang drayber na kinilalang si alyas “Joseph”.

Pinagtulungan namang iangat sa pamamagitan ng crane ng mga tauhan ng Port Management Office, Philippine Coast Guard at divers ang Isuzu Elf Truck sa dagat hanggang sa Ito ay maiahon.

Sa ulat, ipinoposisyon umano ni Joseph papasok sa barkong MV Angel Heart ang trak na kargado ng mga pangargang produkto upang dalhin sa Lagundi, Ticao Island ng naturang lalawigan. Gayunman, nawalan ng preno at hindi na nakontrol ang takbo nito na tuluyang nahulog sa dagat.

MASBATE CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with