2 ‘holdaper’ nakipagbuno sa tanod sa Bulacan, 1 utas!
CAMP ALEJO SANTOS, Bulacan, Philippines — Patay ang backrider ng isang riding-in-tandem matapos magpaputok ng baril sa isang encounter sa barangay tanod sa bayan ng Santa Maria, kamakalawa ng madaling araw.
Ayon kay Lt. Col. Mark Louie Sigua, hepe ng pulisya ng nasabing bayan, dakong alas-2:00 ng madaling araw dumating ang dalawa sakay ng motorsiklo sa harap ng Balasing Barangay Hall para iulat na nagtangkang tangayin ng armadong riding-in-tandem holduppers ang kanilang mga mahahalagang gamit.
Habang nagrereport ang dalawang biktima sa mga barangay tanod sa harap ng kanilang barangay hall, dumating ang mga suspek at kinilala ng mga biktima na sila ang mga holdaper.
Sinubukan ng mga barangay tanod na i-flag down ang mga suspek ngunit bumunot umano ng baril ang backrider na mabilis na pinalo sa kanyang kamay gamit ang baton whip ng isang alertong tanod.
Nagkaroon ng agawan sa baril hanggang sa pumutok ito na ikinamatay ng backrider habang ang driver ay nakatakas sakay ng isang N-Max na motorsiklo patungo sa Barangay Sapang Palay sa Lungsod ng San Jose del Monte.
Narekober ng mga awtoridad ang isang kalibre .45 Shooter pistol na may serial number 101000065, dalawang fired cartridge cases, at dalawang pares ng tsinelas.
- Latest















