^

Probinsiya

170 timbog sa jueteng!

Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

Rosales, Pangasinan, Philippines — Mahigit sa 170 hinihinalang kasapi ng sindikato ng jueteng ang nasakote sa isang malawakang operasyon na pinangunahan ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) sa buong Pangasinan noong Lunes, Abril 13.

Sa bayan ng Rosales naitala ang pinakamataas na bilang ng mga nahuli, 40 ang nasakote, kabilang si Antonio “Tony” Muya, dating konsehal, at dating municipal administrator na itinuturing na mahalagang personalidad sa operasyon ng jueteng. 

Ayon sa NBI-NCR team ni Elbert A. Maliwanag, isinagawa ang raid batay sa search warrant para sa paglabag sa Presidential Decree 1602 kaugnay ng Republic Act 9287. Hindi bababa sa 25 suspek ang inaresto sa Manaoag, na kilala sa alyas na “Kapitan Bigay,” na ayon sa mga awtoridad ay konektado sa mas malawak na sindikato. Sa Calasiao, 34 katao ang naaresto, habang 49 iba pa na umano’y mga financier at kolektor ang nahuli sa San Carlos City.

Samantala, 31 suspek ang nadakip sa Urdaneta City, sa operasyon ng pulisya sa ilalim ng pamumuno ni Pangasinan police director Col. Arbell Mercullo.

Naniniwala ang NBI na ibinunyag ng mga naisagawang raids ang isang organisadong network na sumasaklaw sa iba’t ibang bayan sa Pangasinan, na sangkot sa paggalaw ng taya, pera, at impluwensiya na posibleng may proteksiyon mula sa makapangyarihang mga personalidad.

JUETENG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with