^

Probinsiya

Babaeng trainee ni-rape ng police instructor!

Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon
Babaeng trainee ni-rape ng police instructor!
Naganap umano ang panggagahasa noong Enero 20, 2026 bandang alas-2:00 ng mada­ling araw at muli noong Pebrero 8, alas-1:00 ng hapon sa loob ng Cordillera Administrative Region Training Center (CARTC).
File

Sa PNP training camp sa Baguio...

BAGUIO CITY, Philippines — Inakusahan ng panggagahasa ang isang 41-anyos na police training ins­tructor matapos ireklamo ng isang 23-anyos na babaeng police trainee ng dalawang beses sa loob ng PNP Training Center sa Teacher’s Camp sa Baguio City.

Naganap umano ang panggagahasa noong Enero 20, 2026 bandang alas-2:00 ng mada­ling araw at muli noong Pebrero 8, alas-1:00 ng hapon sa loob ng Cordillera Administrative Region Training Center (CARTC).

Napag-alaman ng mga imbestigador na ipinatawag umano ang trainee sa barracks ng suspek sa parehong pagkakataon.

Nireport ng complai­nant, na hindi pinangalanan, ang mga insidente noong Abril 11 at pormal na naghain ng reklamo noong Abril 13.

Ayon sa awtoridad, ang suspek ay isang may-asawang pulis na nagsisilbing assistant instructor at residente ng La Union, ngunit hindi pa inilalantad ang pangalan nito sa publiko.

Sa kasalukuyan, inilagay na ang inirereklamong pulis sa restrictive custody, dinisarmahan at inilipat sa PNP training headquarters sa Canlubang, Laguna habang inihahanda ang pagsasampa ng kasong kriminal at administratibo.

Ayon kay Major Marcy Grace Marron ng Baguio City police Information Office na isinasapinal pa ang dokumentasyon ng kaso para sa regular na pagsasampa. Dagdag niya, nakapagbigay na ng sinumpaang salaysay ang complainant at sumasailalim sa psychological evaluation bilang bahagi ng proseso ng ebidensya at suporta.

Samantala, iginiit ni CARTC Academic Chief Lt. Col. Maila Alog na ipinatutupad ng training center ang “zero tole­rance” policy laban sa anumang uri ng pang-aabuso sa mga trainees.

POLICE

RAPE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with