^

Probinsiya

Suspek sa pagpatay sa ABC Federation prexy, arestado

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon
Suspek sa pagpatay sa ABC Federation prexy, arestado
Ang 45-anyos na suspek ay dinakip base sa warrant of arrest para sa dalawang bilang ng murder kung saan walang inirekomendang piyansa.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

MALOLOS CITY, Bulacan - Isa pang suspek sa kasong pagpatay sa dating Bokal at opisyal ng barangay sa lalawigan ng Bulacan ang naaresto sa isinagawang manhunt operation sa Kawit, Cavite.

Ang 45-anyos na suspek ay dinakip base sa warrant of arrest para sa dalawang bilang ng murder kung saan walang inirekomendang piyansa.

Isinagawa ang operasyon ng Bulacan Provincial Intelligence Unit Tracker Team kasama ang Bulacan 1st PMFC, Malolos CPS, RID 3, RSOG 3, RIU 3, at Kawit MPS ng Cavite PPO, sa ilalim ng pamumuno ni PCOL Jay Baybayan, OIC ng Bulacan PPO.

Tinangka ng suspek na tumakas at umiwas sa pagdakip ngunit agad napigilan at naharang ng mga awtoridad.

Pinuri ni PBrig. Gen. Jess B. Mendez, Regional Director ng PRO3, ang mga operatibong sangkot sa operasyon. Binigyang-diin niya na ito ay bahagi ng Focused Agenda ni PGEN Jose Melencio C. Nartatez Jr., Chief PNP, partikular sa masiglang pagpapatupad ng manhunt operations at pagbibigay ng mabilis na hustisya.

OIC

PPO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with