^

Probinsiya

20 nalason ng tulingan sa Iloilo

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawampu pang katao ang naratay sa pagamutan matapos na umano’y malason sa iniulat na isdang tulingan sa lalawigan ng Iloilo, ayon sa ulat kahapon.

Sa ulat na tinanggap ng Office of Civil Defense (OCD) Region VI, anim sa mga naitalang kaso ay mula sa Passi City; tig-3 namang indibidwal ay mula sa mga bayan ng Balasan Banate, Dumangas at San Enrique; habang tig-isa naman sa mga bayan ng Mina, at Dueñas.

Ang mga biktima ay patuloy na nilalapatan ng lunas sa pagamutan habang ilan naman sa mga ito ang nakauwi na sa kanilang tahanan.

Pinayuhan naman ni Dr. Maria Socorro Colmenares-Quiñon, Chief ng Iloilo Provincial Health Office ang mga netizens na iwasan ang pagkain ng tulingan habang hinihintay pa ang confirmatory test kung ito nga ang nakalason sa mga biktima.

Nabatid na ang tulingan ay nakalalason na tinatawag na scombroid o mataas na level ng histamine kung hindi maayos ang preserbasyon nito matapos na mahuli.

LASON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with