^

Probinsiya

P20 taas sahod sa Bicol, umpisa na

Jorge Hallare, Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
P20 taas sahod sa Bicol, umpisa na
This undated photo shows an individual counting Philippine peso bills.
The Philippine STAR / Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Sinimulan na kahapon ang pagpapatupad ng unang 20-piso na karagdagang arawang sahod sa lahat ng mga mang­gagawa sa pribadong sektor sa Kabikolan bilang unang bahagi ng 45-piso panibagong dagdag sa daily minimum wage ngayong taon base sa inaprubahang RBV-Wage Order No. 23.

Ayon sa inilabas na abiso ng Department of Labor and Employment (DOLE)-5 sa pangungu­na ni regional director Imelda Gatinao, simula nitong Abril 8 mula sa dating daily minimum wage sa Bicol region na P435 ay magiging P455 na o P11,868 bawat buwan.

Ang ikalawang bahagi o 2nd tranche na karagdagang P25 bawat araw ay ipapatupad naman sa Disyembre 1 para makumpleto ang P480 arawang sahod o P12,520 kada buwan.

Noong Abril 5 ay naunang ipinatupad ang karagdagang P1,000 sa buwanang sahod ng nasa mahigit 113,000 na bilang ng mga kasambahay. Mula sa dating­ P5,000 ay naging P6,000 na ito.

Sa pangkalahatan ay inaasahang mabebenepisyuhan ng karag­dagang sahod ang mahigit 500,000 na manggagawa sa buong rehiyon.

MINIMUM WAGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with