^

Probinsiya

Hepe ng Batangas PPO nangmanyak ng babaeng tinyente, inireklamo!

Angie dela Cruz, Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Isang babaeng opisyal ng Philippine National Police ang pormal na nagsampa ng admi­nistratibong kaso laban sa police provincial director ng Batangas dahil sa sexual harassment.

 Kinasuhan ng grave misconduct at conduct unbecoming of a police officer ni alias “Lady Police Lieutenant”, isang recipient ng PNPA class of 2025, si Police Col. Marlon Ventura Rufo,director ng Batangas provincial police office (PPO) sa punong tanggapan ng National Police Commission (Napolcom) noong Martes.

Base sa affidavit ng lady cop, sinamantala umano ng respondent na si Col. Rufo bilang senior ranking official nito ang kanyang posisyon sa pag-abuso sa kapangyarihan, sa kaligtasan sa lugar ng trabaho, at propesyonal na pag-uugali sa loob ng organisasyon ng pulisya.

Bago ang administrative filing, inakusahan ng kamag-anak ng babaeng pulis si Col. Rufo ng sexual harassment. Ang info-text message ay ipinadala ng isang kaanak ng policewomen sa “I-report Mo Kay TSIP”, SMS Center OCPNP sa ­Kiangan Hall, Camp Crame, Quezon City.

 Ang info-text message, dalawang beses umanong inabuso ng kanyang superior ang babaeng pulis na bagong nakatalaga sa Batangas PPO.

Ang unang insidente ay naganap sa opisina umano ng PD (provincial director), nang pag­hahawakan ng hepe ang maseselang bahagi ng katawan ng tinyente nang sila lang ang nasa loob.

Hinalikan din umano siya sa leeg, sa ilalim ng kanyang tenga, saka dinilaan kaya nabasa ang tenga habang kinakalikot din ng opisyal ang strap ng kanyang bra.

Ang ikalawang insidente ay nangyari sa loob ng patrol car nang utusan ng opisyal ang kanyang security aide at escort na lumabas sa sasakyan at naiwan ang lady cop kaya muli siyang inabuso at pinaghahawakan sa katawan.

Dahil dito, natakot at na-trauma ang policewoman, kaya hindi na pumapasok sa opisina at palagi na lang siyang nasa quarters.

Sa panayam ng PSN kay Col. Rufo, sinabing hindi pa niya nakikita ang mga reklamo at wala ­siyang ideya rito, gayunpaman, kung mayroon man ay sasagutin umano niya sa tamang forum.

HARASSMENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with