^

Probinsiya

‘Salaknib 2026’ opisyal nang sinimulan

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija, Philippines — Mahigit 7,000 sundalo mula sa apat na bansa ng Pilipinas, Estados Unidos, Japan at Australia ang kalahok sa “Salaknib 2026” na opisyal nang nagsimula nitong Lunes, sa Fort Ramon Magsaysay sa Palayan City, Nueva Ecija.

Ito ang unang pagkakataon na lumahok sa joint exercise ang Japan Ground Self-Defense Force at Australian Army bilang observer at participants.

Nakatuon ang aktibidad sa pagpapalakas ng kakayahan ng mga sundalo sa interoperability ng mission command systems, joint warfighting capabilities sa pamamagitan ng integrasyon ng aviation, combined arms operations, at interope­rability sa land-dominated environment.

Ang salitang “Salaknib” ay galing sa salitang Ilokano na ibig ang sabihin ay Kalasag o Shield sa ingles, na sumisimbolo umano sa matibay at matagal nang ugnayan ng mga sundalo ng Pilipinas at Amerika.

Gaganapin ang mga pagsasanay rito sa kampo ng Fort Magsaysay at iba pang mga lugar sa North at Central Luzon.

Ang Salaknib Phase 1 ngayong taon ay nakatakda mula Abril 6 hanggang 17, habang ang Salaknib Phase 2 ay nakatakda namang matapos hanggang Hunyo.

Sa kanyang talumpati, sinabi ng bise kumander ng Hukbong Katihan ng Pilipinas na si Maj. Gen. Efren Morados na ang Salaknib ay “ginagabayan ng isang malinaw at estratehikong layunin na palakasin ang pinagsamang operasyon ng armas, palalimin ang interoperability sa maraming domain, at “reinforce a resilient regional security architecture”.

ARMY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with